Pulis-Pasay arestado sa pangingikil sa naarestong drug suspect; 6 na iba pang kasabwat na pulis pinaghahanap

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 08:14 AM

Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa Pasay City dahil sa pangingikil ng P100,000 sa live-in partner ng inarestong drug suspect.

Nadakip sa ikinasang entrapment operation ng PNP Counter Intelligence Task Force ang ulis na si Corporal Anawar Nasser.

Bago ang operasyon, nagsumbong sa CITF ang kinakasama ng suspek na si George Revilla.

Si Revilla ay nadakip ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) noong Martes (Mar. 5) ng hapon.

Pero hiningan umano ni Nasser ng pera ang kalive-in ni Revilla para ito ay mapalaya.

Doon na nagkasa ng operasyon laban kay Nasser ang PNP-CITF at dala ang perang hinihingi, nagtungo ang babae sa opisina ng DEU sa Pasay.

Pero bago tuluyang magkaabutan kinapkapan sya ng mga pulis at nadiskubreng marked money ang dala niya.

Kinuha ng mga tauhan ng DEU ang cellphone ng babae dahilan para hindi ito makapagbigay ng senyales sa mga tauhan ng CITF.

Nagawang makatakas ng anim pang pulis pero si Nasser ay naabutan ng mga tauhan ng CITF.

Pinaghahanap pa ngayon ang 6 pang pulis na kasabwat sa ilegal na gawain.

TAGS: CITF, Metro Manila, NCRPO, Pasay Police, PNP, Radyo Inquirer, CITF, Metro Manila, NCRPO, Pasay Police, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.