OSG, nanindigan na hindi dapat isapubliko ang mga dokumento sa drug war ng pamahalaan
Bago tuluyang ipasa sa Korte Suprema ang mga dokumento na may kinalaman sa giyera kontra droga, naglabas ng isang kondisyon ang Office of the Solicitor General.
Ayon kay Solicitor General Jose Calida, ibibigay nila ang listahan ng mga nasawi sa drug operations ng PNP, kung hindi ito ibabahagi sa publiko o sa mga partidong walang kinalaman sa kaso.
Nabatid na dalawa ang petitioner na humihiling sa mga dokumento sa OSG, kabilang na dito ang Center for International Law at Free Legal Assistance Group.
Ani Calida, naniniwala syang sumang-ayon ang SC sa inilatag nilang kundisyon, dahil kung hindi ito pumayag ay maglalabas ang SC ng kautusan para bigyan ng OSG ng kopya ang ibang panig na sangkot sa kaso.
Matatandaan na matapos ang oral argument noong nakaraang taon, inatasan ng SC si Calida na isumite ang pangalan ng mga biktima ng drug war, petsa at lugar kung saan ginawa ang operasyon, pangalan ng PNP team leader at mga tauhan nito na nagsagwa ng operasyon at pangalan ng mga kinatawan ng media, NGO at baranggay official na naging saksi sa operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.