Lalaking pasakay ng LRT, arestado matapos mahulihan ng shabu

By Jong Manlapaz March 06, 2019 - 07:49 AM

Arestado ang 42-anyos na lalaking na sasakay sana ng LRT-2 matapos na mahulian ng ilegal na droga sa Cubao, Quezon City, Martes (Mar. 5) ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Carlito Vicente De Leon Jr, ng Santolan, Pasig City, na samsam sa kanyang mga gamit ang ilegal na droga, matapos dumaan sa inspection ng mga gwardiya ng LRT-2.

Sinabi ni Police Senior Master Sergeant Jade Gavina ng Cubao Police Station, nakuha sa suspek ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu at anim na aluminum foil na nakabalot sa papel.

Matatandaan na nito lamang February 23 isang pasahero din ng MRT-3 sa Cubao, Quezon City ang nahulian ng granada kasunod ng paghihigpit na ipinatutupad ng Department of Transportation DOTr) sa lahat ng train system sa Metro Manila.

TAGS: LRT 2, man arrested, metro, Radyo Inquirer, War on drugs, LRT 2, man arrested, metro, Radyo Inquirer, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.