Hillary Clinton at Michael Bloomberg kapwa hindi na tatakbong presidente sa 2020

Kapwa nagsabi na sina Hillary Clinton at Michael Bloomberg na hindi sila sasabak sa 2020 presidential elections sa Estados Unidos.

Sa isang panayam sinabi ni Clinton na hindi siya tatakbo subalit magpapatuloy siya sa pagsisikap at pagsasalita hinggil sa mga pinaniniwalaan niyang totoo at nararapat.

Nagapahayag din ng pagkabahala si Clinton sa lagay ng American politics sa kasalukuyan.

Nangako din siyang magiging aktibo siya sa 2020 at tutulungan ang mga kandidato ng Democtrats.

Samantala, sinabi rin ni dating New York City Mayor Michael Bloomberg na hindi siya tatakbong presidente sa 2020.

Ayon kay Bloomberg, bagaman naniniwala siyang kaya niyang talunin si Pres. Donald Trump sa general election ay alam niyang mahihirapan siyang makuha ang Democratic nomination.

Read more...