2 spa sa QC na nag-aalok ng ‘extra service’ sinalakay; 21 babae, nasagip

By Dona Dominguez-Cargullo March 06, 2019 - 06:29 AM

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) – Women and Children Protection center (WCPC) ang dalawang spa sa Quezon City dahil sa umano ay pag-aalok nito ng ‘extra service’ sa mga kliyente.

Ayon kay Police Lt. Col. Joy Tomboc, assistant chief ng Anti-Trafficking in Persons Division ng PNP-WCPOC, naabutan sa loob ng dalawang establisyimento ang mga babaeng masahista at mga lalaking customer.

Sa isang branch sa Cubao aabot sa 14 na babae ang nasagip habang 7 babae naman ang nasagip sa branch sa Banawe.

Sinabi ni Tomboc na iisa lamang ang may-ari ng dalawang spa at natuklasang expired din ang business permit nito.

May mga na-recover ding mga condom sa loob ng dalawang establisyimento.

Inaresto naman ng mga pulis ang limang lalaking staff ng spa pero bigo silang maabutan sa lugar ang manager.

TAGS: extra service, metro, quezon city, spa, extra service, metro, quezon city, spa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.