Pulis Pasig, arestado sa robbery-extortion; buong miyembro ng Drugs Unit, sinibak

By Len Montaño, Rhommel Balasbas March 06, 2019 - 04:56 AM

Credit: Marikina PNP React

Matinding galit ang inabot ng isang pulis mula kay NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar matapos itong naaresto sa entrapment operation sa Pasig City.

Hindi napigilan ni Eleazar na sampalin at saktan ang pulis na si Police Corporal Marlo Siblao Quibete ng District Drug Enforcement Unit sa Pasig City.

Credit: Marikina PNP React

Ayon kay Eleazar, tinanggap ni Quibete ang P20,000 sa entrapment operation ng NCRPO Regional Special Operations Unit sa Evangelista Street kanto ng De la Paz Street sa Barangay Santolan, Pasig City.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Eva Kilala, live in partner ni Aries Ochoada na nahuli sa buy bust operation sa Barangay Marikina Heights, Marikina City.

Bukod sa perang kinuha ng pulis na nasa P60,000 ay kinuha rin nito ang gintong kwintas ni Kilala habang ang motorsiko ni Ochoada ay pilit na pinapirmahan ang deed of sale nito.

Credit: Marikina PNP React

Hindi pa umano nakuntento ang pulis at humingi pa ng dagdag na pera kaya nagsumbong na si Kilala sa NCRPO.

Panawagan naman ni Eleazar sa publiko, huwag matakot na isumbong ang mga umaabusong pulis.

Samantala, sinibak na ang lahat ng miyembro ng Pasig Police Drug Enforcement Unit kabilang ang kanilang hepe.

Nahaharap naman sa kasong robbery extortion si Quibete.

TAGS: buy bust, District Drug Enforcement Unit, entrapment operation, kwintas, motorsiklo, NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, Police Corporal Marlo Siblao Quibete, robbery extortion, buy bust, District Drug Enforcement Unit, entrapment operation, kwintas, motorsiklo, NCRPO chief Major General Guillermo Eleazar, Police Corporal Marlo Siblao Quibete, robbery extortion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.