50 hanggang 100 truckloads ng basura aalisin sa Manila Bay kada araw
Sinimulan na kahapon, araw ng Martes (March 5) ang dredging operations sa Manila Bay.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, target na mahakot ang 225,000 cubic meters o katumbas ng higit 20,000 trak ng basura sa dagat.
Nangangahulugan ito na kinakailangan na makakolekta ng 50 hanggang 100 trak ng basura kada araw.
Nagdeploy na ang DPWH ng 28 equipment para sa dredging operations kabilang ang amphibious excavator, debris segregator, dumping scow, dump trucks at street sweeper.
Target ng operasyon ang higit isang kilometrong shoreline ng Manila Bay mula US embassy hanggang Manila Yatch Club.
Mayroong 50 personnel mula sa DPWH ang otso oras kada araw na magtatrabaho sa paglilinis ng Manila Bay.
Matapos makuha ang mga burak ay gagamit ng backhoe para mailagay ito sa mga dump truck at ihihiwalay ang basura at lupa sa pamamagitan ng segregator.
Dadalhin at itatapon sa Navotas ang basura habang pansamantalang ilalagay ang lupa sa DPWH compound sa Taguig.
Ang dredging operations ay bahagi ng rehabilitasyon ng Manila Bay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.