Kampo ni Senator Grace Poe hihilingin ang pagbasura ng DQ case ni Rizalito David

gracepoe1Hihilingin ng kampo ni Senator Grace Poe ang pagbasura sa disqualification case na inihain ni Rizalito David dahil sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) pabor sa senadora.

Ayon sa abogado ni Poe na si George Erwin Garcia, dahil sa SET ruling ay extinguished na ang umano’y election offense ng senadora.

Naniniwala ang kampo ni Poe na ang panalo nila sa SET ay nangangahulugan na walang misrepresentation sa certificate of candidacy na inihain sa pagtakbo nito bilang senador noong 2013.

Sa December 1 ay ihahain nila ang isang manifestation kung saan opisyal nilang ipapaalam sa COMELEC ang paborableng desisyon ng SET at hihilingin nila ang dismissal ng reklamo ni David.

Iginiit ng abogado na walang probable cause na magsisilbing justification sa pagsampa ng kaso.

Batay anya sa SET vote na 5-4 ay natural born filipino si Poe at kwalipikado bilang miyembro ng Senado.

Read more...