Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na sinisisi ng ilang mga kandidato sa pagkasenador sa pagsipa ng presyo ng petrolyo at inflation rate ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bangued, Abra, sinabi ni Duterte na ang TRAIN law ang dahilan kung bakit patuloy na tumatakbo ang gobyerno.
Tanong ng presidente, paano niya maitutuloy ang Build, Build, Build program, ang pagpapasweldo sa mga guro at pagbili ng mga eroplano kung ihihinto ang TRAIN Law.
“Sa Build, Build, Build, ‘yon ‘yung TRAIN. Eh paano ko matuloy ‘yan kung kinakalaban lang nila? Paano ko masuswelduhan ‘yang mga maestra? Paano ako magbili ng mga eroplano? I need to keep this government running,” ani Duterte.
Noong 2018 kung kailan sinimulang ipatupad ang TRAIN Law ay sumipa ang inflation rate at naitala ang pinakamataas sa loob ng siyam na taon.
Nitong Pebrero naman ay bumagal sa 3.8 percent ang inflation na pasok muli sa target range ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.