Faustino “Inno” Dy V, isinulong ang dagdag kompensasyon ng mga opisyal ng barangay

By Len Montaño March 06, 2019 - 03:11 AM

Isinulong ni Liga ng mga Barangay (LNB) national president Faustino “Inno” Dy V ang dagdag na kompensasyon ng mga opisyal ng barangay.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Dy na mayroong ilang barangay officials na sadyang maliit ang natatanggap na sweldo.

Giit ni Dy, under compensated ang mga opisyal ng barangay at ang tinatanggap nilang sahod ay depende pa sa pondo ng kanilang barangay.

Kaugnay naman ng panukala na salary grade sa mga barangay officials, sinabi ni Dy na suportado ito ng kanilang grupo.

Malaki anya ang magiging katuwaan ng mga opisyal ng barangay kung maitataas ang kanilang tinatanggap dahil na rin sa bigat ng kanilang tungkulin.

Ayon kay Dy, ang mga opisyal ng barangay, partikular ang mga punong barangay, ay ginagampanan ang iba’t ibang tungkulin gaya sa ehekutibo, lehislatura at hudikatura.

TAGS: ehekutibo, Faustino “Inno” Dy V, hudikatura, kompensasyon, lehislatura, Liga ng mga barangay, punong baragay, Radyo Inquirer, salary grade, sweldo, ehekutibo, Faustino “Inno” Dy V, hudikatura, kompensasyon, lehislatura, Liga ng mga barangay, punong baragay, Radyo Inquirer, salary grade, sweldo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.