Faustino “Inno” Dy V: ‘Walang ginamit na public funds sa pagbili ng give-aways sa barangay assembly’

By Len Montaño March 06, 2019 - 03:01 AM

Nilinaw ni Faustino “Inno” Dy V, national president ng Liga ng mga Barangay (LNB) na walang ginamit na pondo ng bayan sa pagbili ng mga T-shirts na ipinamigay sa unang LNB National Assembly noong February 25 hanggang 27 sa Pasay.

Pahayag ito ni Dy sa panayam ng Radyo Inquirer bilang pagtanggi sa alegasyon ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Tiiniyak ni Dy na walang pondo mula sa grupo ng mga barangay na LNB o maski mula sa bawat barangay sa buong bansa na ginamit pambili ng campaign materials ng sinumang kandidato.

Iginiit ni Dy na nananatiling apolitical o walang pinapanigan ang grupo ng mga punong barangay.

Paglilinaw pa ni Dy, wala silang iniendorsong kandidato pero welcome ang kanilang grupo sa sinuman na nais magsalita sa kanilang mga event.

Ang mga punong barangay anya ay may karapatan din na malaman ang plataporma ng sinumang kandidato at malaya silang mamili ng kanilang iboboto.

TAGS: apolitical, Faustino “Inno” Dy V, kandidato, Liga ng mga barangay, LNB National Assembly, Magdalo Rep. Gary Alejano, pagbili, plataporma, public funds, punong barangay, Radyo Inquirer, T-shirts, apolitical, Faustino “Inno” Dy V, kandidato, Liga ng mga barangay, LNB National Assembly, Magdalo Rep. Gary Alejano, pagbili, plataporma, public funds, punong barangay, Radyo Inquirer, T-shirts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.