‘Money making exercise’.
Ganito isinalarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang political debates na inoorganisa ng mga television networks para sa mga kandidato sa national positions.
Sa kanyang talumpati sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Bangued, Abra, binatikos ng pangulo ang anya’y pagbibigay lamang ng isang minuto at kalahati sa isang kandidato para masabi ang kanyang saloobin sa isang partikular na isyu.
“…Yung magi-sponsor ng tawag nilang presidential debates, dialogue, discourse,
it‟s actually para lang magkakaroon ng pera „yan. You raked the money but you know if you just
give a candidate an hour — ah a minute and a half rather — walang masasabi „yan, then the
intermissions and everything…,” ani Duterte.
Ayon sa pangulo, umaasa siyang ang susunod na mga presidential debates sa mga paparating na taon ay mas magiging ‘educated’ kung saan mabibigyan ang mga kandidato ng sapat na panahon para talakayin ang mga isyu.
Kung hindi anya mangyayari ito ay mananatiling pera-pera lamang ang debates.
Ayon sa pangulo tuwing break sa ilang debate, may ilang mga mapeperang kandidato na may election propaganda habang ang tulad anya niya na walang pera ay nananatiling nakatayo o hindi kaya ay nasa loob lamang ng holding room.
“Otherwise, it‟s just an exercise of money and you know expenses are — they do not come easy.
Iyong mga kandidato na walang pera during the intermission, kagaya ko, namin, every time there
is a recess or a break, „yung mga kandidato may mga nandiyan sa side mga propaganda. Pero
kami „yung walang pera wala, titindig lang kami doon, or otherwise we refer to the room sa
tawag nilang holding room naming,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.