Ilang lugar isinailalim sa state of calamity dahil sa tagtuyot
Isinailalim sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa epekto ng mahinang El Niño sa sektor ng agrikultura.
Inaprubahan ng city council araw ng Martes ang paglalagay sa state of calamity matapos ang rekomendasyon ng City Disaster Risk Risk Reduction and Management Council.
Ayon kay Vice Mayor Cesar Iturralde, apektado ng dry spell ang mga ilog dahilan para magkulang ang irigasyon sa mga sakahan.
Dahil sa paglalagay sa state of calamity sa Zamboanga ay magkakaroon ng access ang local government sa calamity funds.
Inirekomenda ng CDRRMO at City Agriculturist Office ang P43.8 milyon halaga para sa pagbili ng mga kagamitan, fertilizers, cloud seeding, vegetable seeds at food for work program para makaagapay sa mga problemang kinahaharap dahil sa tagtuyot.
Samantala, insinailalim na rin sa state of calamity ang mga bayan ng Alamada, Aleosan, Mlang at Pikit sa North Cotabato dahil sa kaparehong problema.
Ayon sa Provincial Agriculture Office, umabot na sa P378 milyon ang pinsala ng tagtuyot sa agrikultura.
Nauna nang sinabi ng PAGASA na makararanas ng weak El Niño ang bansa na inaasahang tatagal hanggang June 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.