WATCH: Abp. Villegas may mensahe sa publiko para sa May 13 elections
“Are you going to betray God again?”
Ito ang matapang na mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa publiko para sa darating na May 13 midterm elections.
Sa isang video na ibinahagi ni Archbishop Villegas hinimok nito ang publiko na huwag ipagkanulo ang Diyos at ikaila ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang boto.
Ang video ay tumagal ng walong minuto at naglalaman ng footages kung saan tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Diyos na ‘stupid’; minura ang mga obispo at pari; at ginawang katatawanan ang pagkamatay ng Panginoong Hesukristo sa kalbaryo.
Mayroong Bible verses na binanggit si Villegas sa kada birada ng pangulo laban sa Simbahang Katolika at mga katuruan nito.
Kabilang sa mga verses na ginamit ay mula sa Ebanghelyo ni San Mateo kung saan itinalaga kay San Pedro ang Simbahan at sinabi ng Diyos na maging ang pintuan ng kamatayan ay hindi makakapanaig dito.
Nagtapos ang video sa pamamagitan ng movie clips na nagpapakita sa paghihirap ni Hesukristo sa kalbaryo.
Ang paglalabas ng video ay isang araw bago ang Ash Wednesday na pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma sa Simbahang Katolika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.