Isa pang HIV patient, halos 2 taon na umanong ‘in remission’
Isa pang HIV patient ang umanoy in remission na sa naturang virus, patunay na darating ang panahon na magagamot na umano ang virus na nagdudulot ng AIDS.
Halos 10 taon mula ng ma-diagnose sa HIV, isang lalaki sa London ang hindi na nagpakita ng nasabing virus sa loob ng halos 19 buwan.
Sumailalim ang HIV patient sa bone marrow transplant para gamutin ang kanyang blood cancer.
Tumanggap ito ng stem cells mula sa mga donors na may presensya ng genetic mutation na mababa sa 1 percent, dahilan para maiwasan nito ang paglaganap ng HIV.
Ayon sa mga eksperto, isa itong landmark development makalipas ang 10 taon na hindi naulit ang unang kaso ng pasyente na nawalan na ng HIV.
Taong 2009 nang mabalita ang unang remission survivor.
Dagdag ng mga eksperto, bagamat ang ikalawang matagumpay na transplant ay hindi nangangahulugan ng pangmalawakang gamot, ipinakita nito na maski ang mild form ng treatment ay pwedeng magresulta sa full remission mula sa HIV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.