Magnitude 4.2 lindol, tumama sa Baler Aurora

Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Baler, Aurora Martes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol alas 10:27 ng gabi sa silangang bahagi ng Baler.

Tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim ito na 14 kilometers.

Naitala ang Intensity 1 sa Palayan City at Gapan sa Nueva Ecija.

Wala namang inaasahang pinsala sa ari-arian at aftershocks bunsod ng lindol.

Read more...