BREAKING: Higit 30 sugatan sa salpukan ng bus at truck sa Maynila

By Len Montaño March 05, 2019 - 11:14 PM

Phil. Red Cross photo

Hindi bababa sa 31 katao ang sugatan sa salpukan ng isang pampasaherong bus at trailer truck sa kanto ng San Marcelino at Remedios Streets sa Maynila Martes ng gabi.

Naganap ang insidente pasado alas 10:00 ng gabi.

Ayon sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Rescue, ang sangkot na bus sa aksidente ay biyaheng Tagaytay.

Ang mga nasugatan ay pawang mga pasahero umano ng bus.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas ang mga nasugatan at inaalam ang dahilan ng salpukan.

I-refresh lamang ang pahinang ito para sa update.

TAGS: 31 sugatan, bus, Maynila, pampasaherong bus, salpukan, san marcelino, truck, 31 sugatan, bus, Maynila, pampasaherong bus, salpukan, san marcelino, truck

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.