2 drug suspek patay sa buy bust sa Bulacan

Patay ang dalawang suspek nang mauwi sa enkwentro ang buy bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan Martes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jestoni Macandog alyas Bunso at isang Kristoffer Jess Policarpio.

Ayon sa pulisya, nauwi sa barilan ang transaksyon ng droga sa isang motorcyle shop.

Ayon kay Police Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, nagkasa ng operasyon matapos makumpirma na ginagawang drug den ang shop.

Pero sa gitna ng operasyon ay nagkaroon ng barilan na ikinamatay ng dalawa.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kalibre .38 na revolver at ilang sachet ng shabu.

Read more...