Isasara muna sa publiko ang Mt. Apo sa buwan ng Mayo para maiwasan ang posibleng sunog dahil sa epekto ng El Niño.
Sa pulong araw ng Martes, nagdesisyon ang mga tourism officers sa Bansalan, Davao del Sur, Digos City at Kidapawan City, Protected Area Management Board at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pansamantalang isara ang Apo.
Nababahala ang DENR na muling magkasunog sa lugar gaya nang nangyari noong 2016.
Ang hakbang ay bilang tugon sa inaasahang pag-iral ng El Niño kung saan mataas ang banta ng forest fire dahil sa tagtuyot.
Ayon sa mga otoridad, delikado ang Mt. Apo kung walang alituntunin sa pag-akyat ng mga hikers o treckers.
Gayunman ay bukas naman ang Mt. Apo sa inaasahang dagsa ng mga turista sa Semana Santa.