2019 budget hindi dinuktor sa Kamara ayon sa Malacañang

By Chona Yu March 05, 2019 - 07:46 PM

Inquirer file photo

Pinabulaanan ng Malacañang na minanipula ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang 2019 national budget at nagkaroon ng ang P25 Million pondo para sa kanyang distrito sa Pampanga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na base sa kanyang pakikipag ugnayan kay Arroyo ay walang katotohanan ang alegasyon ni Senador Panfilo Lacson na binago ng lider ng Kamara ang 2019 national budget.

Ayon kay Panelo, hindi ginalaw ni Arroyo ang ipinasang bersyon ng pambansang budget matapos aprubahan ng bicameral conference committee.

Tiniyak naman ni Panelo na bubusisiin ng husto ng Malacañang ang bawat line item sa budget bago ito lagdaanng pangulo.

Nauna dito ay sinabi ni Lacson na kanila ring susuriin ng husto ang bicam report kaugnay sa pondo kapag ito ay dumating na sa Senado para matiyak na hindi ito nagkaroon ng pork barrel insertion.

TAGS: Arroyo, Bicam, duterte, panelo, pork barrel, Arroyo, Bicam, duterte, panelo, pork barrel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.