Trapiko sa Metro Manila magsisimulang lumuwag sa 2020 ayon kay Duterte
Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na magsisimula nang lumuwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila sa susunod na taon.
Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa pinaigting na Build Build Build program kung saan kaliwa’t kanang konstruksyon ng mga kalsada, trains system ang ginagawa ng pamahalaan.
Pagmamalaki ng pangulo, masosolusyunan niya ang problema sa trapiko sa Metro Manila kahit na walang tulong ang senado.
Ikinadidismaya ng pangulo noon ang hindi pagbibigay ng kongreso sa hirit na emergency powers.
Magugunitang isa ang problema sa trapiko sa Metro Manila sa mga ipinangako ng pangulo na kanyang reresolbahin sa mga unang taon ng kanyang termino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.