Mga kongresista hindi pa tapos sa pagtugis kay Diokno sa isyu ng pork

Hindi pa rin ligtas sa mga tanong ng mga kongresista si bagong talagang Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, maari pa rin nilang tanungin sa Diokno kapag sumalang na ito sa pagdinig ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Sinabi ni Suarez na itatanong nila kay Diokno ang mga hindi nito nasagot sa pagdinig ng Kamara.

Samantala, sinabi nito na maaring isang hearing na lamang ang kanilang gagawin sa House Committee on Accounts may kaugnayan sa maanomalyang budget insertions sa panukalang 2019 budget.

Kailangan anya na magkaroon ng closure sa usapin upang masagot ang agam-agam ng sambayanan.

Sa ilalim ng charter ng BSP kailangan dumaan sa CA ang pagkakatalaga sa governor nito.

Read more...