Narco list resulta ng wiretapping ng ibang bansa ayon sa Malacañang

File photo

Aminado ang Malacañang na bunga ng wiretapping activities ng ibang bansa ang pagkakatumbok sa ilang pulitiko sa Pilipinas na nasa narco list o ang listahan ng mga sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala namang masama kung ipinapasa ng China, US, Russia at Israel sa pilipinas ang impormasyon na nakukuha sa wiretapping lalo’t kung napapakinabangan ito para masukol ang mga kriminal at mga nasa illegal na droga.

Dapat pa nga aniyang magpasalamat ang Pilipinas sa mga bansang nagbibigay ng impormasyon.

Una rito, sinabi ni Pangulong Duterte na napakinggan niya noong September 2017 ang magkahiwalay na conversation nina Iloilo City Mayor Jed Mabilog at napatay na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog kaugnay sa transaksyon sa illegal na droga.

Ayon kay Panelo, tiyak na kakasuhan ng pamahalaan ng administrato at criminal ang mga nasa narco list.

Pursigido aniya si Interior and Local Government Sec. Eduardo Año  na habulin ang mga pulitikong nasa iligal  na droga.

Read more...