Narcolist isasapubliko na sa susunod na linggo

Tuloy nasa susunod na linggo ang pagsasapubliko ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa narcolist o ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa operasyon sa illegal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inisyatibo lamang ito ng DILG.

Gayunman, hindi mabatid ni Panelo kung gaano karami ng mga pulitiko ang nasa listahan ngayon ng DILG.

Wala aniyang sasantuhin ang administrasyon at huhubaran ng maskara ang mga pulitikong sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay Panelo, noon pa man, malinaw na ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang isapubliko ang narcolist para mabigyan ng gabay ang mga botante na makapamili ng mga kandidationg karapat-dapat na maupo sa puwesto.

Read more...