Sanggol patay, 1 pa sugatan sa sunog sa Bukidnon

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2019 - 11:45 AM

Patay ang isang taong gulang na sanggol na lalaki makaraang masunog ang kanilang bahay sa Purok 2, Poblacion, Valencia City sa Bukidnon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Valencia City Fire Protection, nag-overheat ang electric fan sa isang kwarto ng bahay ng pamilya Catao.

Natutulog ang sanggol na si john Michael habang nasa ground floor naman ang kaniyang nanay at naliligo nang sumiklab ang apoy.

Mabilis na kumalat ang apoy sa 2nd floor ng bahay kaya hindi na nakaakyat ang ina ng bata.

Maliban sa nasabing biktima, isa pa ang nasugatan na kinilalang si Regie Palban.

Nadamay ang iba pang kalapit na bahay sa sunog at tinatayang aabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala ng apoy.

TAGS: bukidnon, fire incident, poblacion dos, valencia city, bukidnon, fire incident, poblacion dos, valencia city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.