Mga empleyado ng munisipyo sa Naval, Biliran masisibak kapag nahuling naglalaro ng mobile legends at PUBG sa oras ng trabaho

Kinumpirma ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran ang pagbabawal sa mga empleyado ng munisipyo sa paglalaro ng Mobile Legends at PUBC o PlayerUnknown’s Battlegrounds habang nagtatrabaho.

Unang kumalat ang memo na may pirma ni Naval Mayor Gerard Roger Espina na mayroong petsang March 1, 2019.

Sa nasabing memo, nakasaad na nakarating kay Espina na maraming empleyado ng munispyo ang naglalaro ng MoBa at PUBG habang oras ng trabaho.

Pinaalalahanan ni Espina ang mga empleyado na ang paglalaro ay hindi kasama sa tungkulin at trabaho nila bilang public servant.

Base sa memo, sinabi ni Espina na sinumang mahuhuling naglalaro ng MoBa at PUBG sa oras ng trabaho ay papatawan ng termination o pagsibak sa pwesto.

Read more...