Recycle sa mga miyembro ng gabinete binatikos ng isang mambabatas
Binatikos ni ACT Teachers Rep. Antonio Tino ang ginawang paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay DBM Sec. Diokno bilang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Ayon kay Tinio, patuloy ang ginagawang pagbibigay ng proteksyon ng pangulo sanmga miyembro ng kanyang gabinete sa public accountability sq pamamagitan ng pagrecycle sa mga ito.
binigyan anya ng reward ng pangulo si Diokno bilang pinuno ng pinaka makapangyarihang economic position sa gobyerno.
Ito anya ay kahit na ongoing ang pagdinig ng Kamara sa nadiskubreng P75B insertions sa 2019 budget para paburan ang ilang kontraktor kabilang na ang kanyang kamag-anak.
Sinabi ni Tinio na mananatiling tanong ang papel ni Diokno sa flood scam project hanggang hindi nito sinasagot ang katanungan ng Kamara.
Bilang DBM secretary, sinabi ng mambabatas na lagi nitong kinokontra ang umento sa sahod ng mga civilian government personel partikular ang mga guro sa kabila ng pahayag ng pangulo na dagdag sahod sa mga ito.
Umaasa naman ang mambabatas na tutuparim ng papalit kay Diokno ang pangako ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.