Sunog sumiklab sa residential area sa West Riverside sa QC

(DEVELOPING) Tinupok ng apoy ang isang residential area sa West Riverside sa Barangay San Antonio sa Quezon City.

Nagsimula ang sunog pasado alas 10:00 ng umaga ng martes, March 5.

Ayon sa Quezon City Fire Bureau makalipas ang ilang minuto, itinaas ang ikatlong alarma sa nasabing sunog.

Sa pahayag ng mga residente malapit sa lugar may mga naririnig pa silang pagsabog sa kasagsagan ng sunog.

Bago mag alas 11:00 ng umaga ay iniakyat na sa ikaapat na  alarma ang sunog.

Noong nakaraang taon, February 2018 tinupok rin ng apoy ang nasabing lugar sa Barangay San Antonio.

Read more...