Aktres na si Antoinette Taus naospital matapos atakihin ng chow chow
Nagpapagaling ngayon sa ospital ang aktres na si Antoinette Taus matapos atakihin ng chow chow na nagresulta sa pagkasugat ng kaniyang braso, dibdib at hita.
Ibinahagi ni Taus sa social media ang nangyari habang siya ay dumadalo sa isang kasalan sa Baguio City.
Sinabi ng aktres na ang kaniyang kaliwang braso ang labis na napinsala at kinailangang isailalim sa operasyon na tumagal ng dalawang oras.
Sinabi ni Antoinette na isa siyang animal lover at hindi niya nagawang saktan ang chow chow habang siya ay inaatake.
Gayunman, nagdulot aniya ito ng trauma sa kaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.