Ayon sa pahayag ng MRT-3 isang tren nila ang nakaranas ng electrical failure alas 7:47 ng umaga sa pagitan ng Quezon Avenue at North Avenue.
Nilinaw naman ng MRT-3 na walang unloading incident na nangyari sa kabila ng aberya.
Agad ding nagbalik sa normal ang biyahe ng MRT-3 alas 7:50 ng umaga.
Sa kasagsagan ng nasabing aberya, maraming pasahero ang nagreklamo dahil sa matagal anilang paghihintay nila ng tren sa mga istasyon.
MOST READ
LATEST STORIES