Tren ng MRT-3 nakaranas ng electrical failure

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2019 - 09:59 AM

Nagkaroon ng ilang minutong aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3, martes (Mar. 5) ng umaga.

Ayon sa pahayag ng MRT-3 isang tren nila ang nakaranas ng electrical failure alas 7:47 ng umaga sa pagitan ng Quezon Avenue at North Avenue.

Nilinaw naman ng MRT-3 na walang unloading incident na nangyari sa kabila ng aberya.

Agad ding nagbalik sa normal ang biyahe ng MRT-3 alas 7:50 ng umaga.

Sa kasagsagan ng nasabing aberya, maraming pasahero ang nagreklamo dahil sa matagal anilang paghihintay nila ng tren sa mga istasyon.

TAGS: Metro Rail Transit, mrt-3, Radyo Inquirer, Metro Rail Transit, mrt-3, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.