Construction worker arestado sa paninipol sa isang babae sa QC
Arestado ang isang construction worker dahil sa catcalling o paninipol at pambabastos ng isang babae sa Novaliches, Quezon City.
Nakilala ang suspek na si Jay Ar Cabesas, 20 taong gulang.
Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, binastos ni Cabesas ang isang babae na nasa labas umano at nakikipaglaro sa mga aso sa Santa Monica sa Novaliches, noong Biyernes.
Nilapitan umano ng suspek at sinipulan ang babaeng biktima.
Labag sa Anti-Catcalling Ordinance ng Quezon City ang ginawa ni Cabesas.
Ang Anti-Catcalling Ordinance ay naglalayong protektahan ang mga kababaihan mula sa mga
pambabastos lalo na sa mga pampublikong lugar. Kasama ang pagmumura, pagsipol, pang-stalk, paghingi ng number, or pagpilit sa babae na pumayag sa date, or paggawa ng nakakababastos na hand gestures sa mga offenses sa ilalim ng ordinansa.
Dumulog sa mga pulis ang babae at ipinaaresto ang suspek.
Samantala, itinanggi naman ng suspek ang paratang sa kaniya. Pansamantalang pinalaya ang suspek habang nagsasagwa ng preliminary investigation ang mga otoridad.
Posibleng makulong ng aabot sa isang buwan ang suspek.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) maaaring tumawag sa Quezon City Hotline 436-7211 kung sakaling maging biktima ng pambabastos at hinihiyakat din ng mga pulis ang iba pang biktima na magsumbong sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.