Pinakamababang inflation rate sa nakalipas na halos 1 taon naitala noong Pebrero 2019 sa 3.8%

By Erwin Aguilon March 05, 2019 - 09:27 AM

Bumagal sa 3.8 percent na lamang ang inflation rate para sa buwan ng Pebrero 2019 o ang pagsipa ng halaga ng mga produkto at serbisyo.

Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA) kumpara sa 4.4 percent noong January 2019, 3.8 percent lang ang naitalang inflation noong Pebrero.

Malaking kontribusyon sa pagbagal ng inflation ay ang pagbaba ng presyo ng pangunahing bilihin lalo na ang food products.

Ito ang unang pagkakataon makalipas ang isang taon na nakamit ng gobyerno ang target nilang 2 hanggang 4 percent lamang na inflation.

Ito rin ang pinakamababang inflation rate mula noong March 2018.

Kabilang sa major drivers ng paghina ng inflation ay ang food and non-alcoholic beverages, alcoholic and tobacco at transportation.

Naitala ang pinakamataas na inflation sa Mimaropa Region na mayroong 5.3% mula sa 5.6% noong nakalipas na buwan ng Enero.

Ang Cordillera Administrative Region pa rin naman ang may pinakamababang inflation na naitala sa 2.5% mula sa datkng 3.1% noong Enero.

Sa NCR naitala naman ang inflation sa 4.8% mula sa 4.6% noong nakalipas na buwan.

TAGS: basic commodities, Inflation, psa, Radyo Inquirer, basic commodities, Inflation, psa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.