Luke Perry ng “Beverly Hills 90210” pumanaw na sa edad na 52

By Jimmy Tamayo March 05, 2019 - 09:14 AM

Sumakabilang buhay na ang Hollywood actor na si Luke Perry sa idad na 52.

Kinumpirma ng publicist ng aktor na si Arnold Robinson na binawian ng buhay si Perry habang naka-confine sa isang ospital sa Los Angeles.

Noong nakaraang miyerkules ay isinugod si Perry sa pagamutan matapos ma-stroke at mula noon ay hindi na umano ito nagkamalay.

Ang aktor ay nakilala sa tv drama na “Beverly Hills 90210” noong 1990s at ginampanan ang papel bilang Dylan McKay.

Noong 2016 ay nagbalik siya sa telebisyon sa pamamagitan ng teen series na “Riverdale” bilang Fred Andrews na ama ng pangunahing bida na si Archie Andrews.

Bago ma-ospital inanunsyo ng Fox Television na plano nilang buhayin ang “Beverly Hills 90210” kasama ang original cast na kinabibilangan nina Jason Priestley, Jennie Garth at Tori Spelling.

TAGS: 90210, actor, beverly hills, Hollywood, luke perry, 90210, actor, beverly hills, Hollywood, luke perry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.