LTFRB nagpalabas ng show cause order sa operator ng pampasaherong van na sangkot sa malagim na aksidente sa Negros

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2019 - 08:53 AM

CREDIT: Alf Reliuga

Nagpalabas na ng show-cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) laban sa operator ng isang pampasaherong van na nasangkot sa malagim na aksidente sa Negros na ikinasawi ng mga estudyanteng pasahero.

Ayon kay LTFRB-7 Assistant Regional Dir. Reynaldo Elnar, sinuspinde na ng 30 araw ang naturang V-hire.

Ang naturang van ay minamaneho ni JP Sarad nang maaksidente at mabangga sa cargo truck sa barangay Mayabon sa bayan ng Zamboanguita.

Nasawi sa nasabing aksidente ang anim na estudyante, habang siyam na iba pa ang sugatan.

Nakakulong pa ngayon sa Zamboanguita police station ang driver ng van.

Lumabas sa imbestigasyon ng LTFRB-7 na pudpod na ang gulong ng van.

Ipatatawag na ng LTFRB ang operator ng van at itatakda nila ang hearing sa susunod na mga araw.

TAGS: accident, ltfrb, negros, Radyo Inquirer, accident, ltfrb, negros, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.