Ex-OFW, arestado sa buy bust operation sa Valenzuela
Naaresto ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Valenzuela City, madaling-araw ng Martes, March 5.
Ayon sa suspek biktima umano siya ng pagmamaltrato ng kanyang amo noong nagtatrabaho siya sa Saudi Arabia kung kaya’t umuwi na lamang siya ng Pilipinas at nagbenta ng shabu.
Aabot sa P110,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa ginang.
Iniimbestigahan na ng Valenzuela police ang impormasyon na sa loob umano ng kulungan sa Bulacan galing ang droga.
Ayon naman sa suspek, tagahatid lang siya at hindi siya gumagamit ng elliegal na droga. Ang kinikita niya rito ay Pantustos sa pangangailangan ng kanyang 3 anak.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.