18-anyos dinampot ng mga otoridad matapos mahulihan ng shabu

By Ricky Brozas March 05, 2019 - 08:15 AM

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 2 ang isang 18- anyos na lalake matapos itong makuhanan ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Base sa inilabas na spot report ng MPD – nagsagawa ng anti-criminality operation ang station 2 Lunes ng gabi sa Mayhaligue St. kanto ng Sanchez St., Tondo, Maynila.

Nadakip ang suspek na kinilalang si Rodel Gallego, walang trabaho at nakatira sa Estero De Magdalena,Tondo Manila.

Dahil dito ay inilalatag na ng mga tauhan ng MPD ang kasong paglabag sa RA 9165 Art II Sec. 11 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Radyo Inquirer, Tondo Manila, War on drugs, Radyo Inquirer, Tondo Manila, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.