Bar topnotcher itinalaga ni Pang. Duterte bilang acting secretary ng DBM

By Chona Yu March 05, 2019 - 07:54 AM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bar topnotcher na si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Pansamantalang uupo sa pwesto si Abuel matapos italaga ni Pangulong Duterte si Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na kapalit naman ni Nestor Espenilla na pumanaw sa sakit na kanser sa dila.

Sa text message ni Diokno sa Radyo Inquirer, sinabi nito na si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia.

Samantala, nagpapasalamat naman ang palasyo sa serbisyo ni Diokno sa DBM.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi matatawaran ang paglilingkod ni Diokno sa pamahalaan.

Umaasa rin aniya ang palasyo na magpapatupad si Diokno ng mga reporma sa BSP.

Tiyak rin aniyang nasa mabuting kamay ang mga nasa banking institutions ngayong si Diokno ang mamumuno sa BSP.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, benjamin diokno, dbm acting secretary, Department of Budget and Management, Janet Abuel, Bangko Sentral ng Pilipinas, benjamin diokno, dbm acting secretary, Department of Budget and Management, Janet Abuel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.