50 bahay, palengke nasunog sa Isabela City sa Basilan

Nasunog ang isang palengke at maraming mga bahay sa Isabela City sa Basilan.

Nagsimula ang sunog alas 9:00 ng gabi ng Lunes, March 4 sa Kaumpurnah Zone-1.

Maliban sa public market sa lungsod, nadamay din ang aabot sa 50 mga bahay na malapit sa palengke.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Agad namang inasistihan ng Isabela City Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga naapektuhang pamilya.

Read more...