Residential area nasunog sa Marikina City; P50,000 halaga ng ari-arian, natupok

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2019 - 07:41 AM

Nasunog ang isang bahay sa Barangay Malanday sa Marikina City.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 5:00 ng umaga sa Purok Dos, Minahan Interior sa naturang barangay.

Umabot sa unang alarma ang sunog sangkot ang isang bahay at agad ding naaapula ang apoy.

Wala na ring iba pang bahay na nadamay sa sunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay at tinatayang aabot sa P50,000 ang halaga ng mga natupok na ari-arian.

TAGS: barangay malanday, fire incident, Marikina City, barangay malanday, fire incident, Marikina City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.