Barangay chairman sugatan matapos pagbabarilin sa kasagsagan ng sunog sa Basilan

Nasugatan ang isang barangay chairman matapos itong barilin sa labas ng bahay habang nagaganap ang isang sunog sa bayan ng Tabuan Lasa, Basilan gabi ng Lunes, March 4.

Tama ng bala sa likod ang tinamo ng biktimang si Haji Mamul Barahim, Barangay Chairman ng Tong-Umus.

Base sa kwento ng asawa ng biktima, pasado alas-10:00 ng gabi lumabas ng bahay si Barahim para tingnan ang sumiklab na sunog ilang daang metro malapit sa kanila.

Isang putok ng baril ang kanilang narinig at nakita naa lamang nilang nakahandusay sa kalsada ang biktima.

Dinala agad sa pinakamalapit na ospital ang biktima at dahil sa malubhang kondisyon nito inilipat sa siya sa Zamboanga City .

Ayon pa sa asawa ng nakatanggap na ng banta sa buhay si Barahim bago pa man ang pamamaril.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente.

Read more...