Dahil dito, ayon sa PAGASA, maalinsangang panahon na ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.
Kahapon sa datos ng PAGASA, nakapagtala na ng 33.6 na maximum temperature sa Science Garden sa Quezon City alas 2:50 ng hapon.
Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, sa Dinagat at Surigao provinces makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na mayroong isolated na pag-ulan o thunderstorms dahil sa Easterlies.
Sa Bicol Region, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon din ang mararanasan na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.
Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa bahagyang maulap lang ang papawirin.
Wala namang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.