Mainit na panahon mararanasan sa bansa; 33.6 degrees Celsius na temperatura naitala sa Metro Manila kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo March 05, 2019 - 06:43 AM

Northeasterly surface windflow na ang nakaaapekto ngayong araw sa Luzon at Visayas habang Easterlies naman sa Mindanao.

Dahil dito, ayon sa PAGASA, maalinsangang panahon na ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.

Kahapon sa datos ng PAGASA, nakapagtala na ng 33.6 na maximum temperature sa Science Garden sa Quezon City alas 2:50 ng hapon.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, sa Dinagat at Surigao provinces makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na mayroong isolated na pag-ulan o thunderstorms dahil sa Easterlies.

Sa Bicol Region, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Aurora at Quezon bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon din ang mararanasan na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa bahagyang maulap lang ang papawirin.

Wala namang sama ng panahon na papasok o lalapit sa bansa sa susunod na tatlong araw.

TAGS: easterlies, Pagasa, weather, easterlies, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.