Jeepney driver patay sa pamamaril sa Malabon

By Mary Rose Cabrales March 05, 2019 - 06:38 AM

Nasawi ang isang isang jeepney driver matapos itong pagbabarilin ng kaniyang pasahero sa Barangay Acacia, Malabon gabi ng Lunes, March 4.

Nakilala ang biktima na si Gerardo De Villa, 51 taong gulang .

Ayon kay Police Col. Jessie Tamayao ng Malabon police, 3 lalaki ang sumakay sa jeep pasado alas-8 ng gabi at pagsapit sa kanto ng Governor Pascual St. at Ibarra St., pinagbabaril na si De Villa.

Tama ng bala sa likod ng ulo ang tinamo ng biktima na agad nitong ikinamatay.

Samantala, tumanggi naman ang pamilya ni De Villa na magbigay ng pahayag.

Tinitingnan na ng mga otoridad ang anggulong personal na alitan na polisbleng motibo sa pamamaril at may tinitingnan na ring person of interest ang mga otoridad.

TAGS: ambush incident, crime, malabon city, Radyo Inquirer, ambush incident, crime, malabon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.