outbrain

NWPC: Driver at konduktor ng bus, tatanggap na ng fixed salary simula March 9

By Len Montaño March 05, 2019 - 03:59 AM

Simula sa March 9, fixed na sweldo na ang tatanggapin ng mga driver at konduktor ng mga bus.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), dapat simula na sa buwanng ito ang bagong compensation scheme.

Posibleng matanggalan ng prangkisa ang kumpanya ng bus na lalabag sa fixed salary scheme.

Sa alituntunin ng NWPC, dapat ipatupad ng mga operator ng bus ang pay package para sa kanilang mga driver at konduktor.

Ito ay base sa kinikita ng kumpanya, ang ridership o bilang ng mga pasahero, safety record, kundisyon ng biyahe sa ruta nito at iba pang guidelines.

Ayon sa commission, hindi dapat bumaba sa minimum ang sahod ng mga bus driver at konduktor batay sa rehiyon ng kanilang biyahe.

Base sa bagong rules, mayroon na ring overtime pay, night differential, service incentive leave, 13th month pay at iba pang benepisyo ang mga driver at konduktor ng bus.

TAGS: benepisyo, bus, driver, fixed salary, konduktor, minimum, NWPC, benepisyo, bus, driver, fixed salary, konduktor, minimum, NWPC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.