42 points ni Harden, nagpanalo sa Rockets vs Celtics
Kumanada si James Harden ng 42 points, dahilan ng pinalawig na panalo ng Houston Rockets sa limang laro sa laban kontra Boston Celtics sa score na 115-104.
Bago matanggal sa laro dahil sa ika-anim na foul sa natitirang 1:44 minuto ng laban, gumawa pa si Harden ng driving layup at 3-pointer laban sa dalawang kalaban.
Tambak ang Celtics sa unang bahagi ng fourth quarter pero nakahabol ang koponan dahil sa performance ni Marcus Smart.
Pero nagsanib pwersa ang iba pang Rockets players gaya nina Eric Gordon na may 32 points at Chris Paul na may 15 points para sa tuluyang panalo ng team.
Si Kyrie Irving naman ang naguna sa Celtics sa ginawa nitong 24 points.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.