Lalaking tumalon sa bakuran ng White House, kinasuhan na

By Dona Dominguez-Cargullo November 27, 2015 - 10:11 AM

Reuters Photo
Reuters Photo

Sinampahan na ng kaso ng US Secret Service ang lalaking tumalon sa bakuran ng White House sa kasagsagan ng selebrasyon ng Thangksgiving Day na nagresulta sa pagpapatupad ng lockdown sa presidential mansion.

Ang lalaki ay nakilalang si Joseph Caputo na tumalon sa north fence line ng White House grounds alas 2:45 ng hapon oras sa Amerika at agad na dinakip ng mga tauhan ng Secret Service.

Wala namang ibinigay na iba pang detalye ang Secret Service hinggil sa nasabing suspek.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na mayroong tumalon sa bakuran ng White House ngayong taon.

Ang dalawang nagdaang insidente ay naganap noong buwan ng Abril at Hulyo.

Dahil dito, mas hihigpitan pa ang seguridad sa mansion at maglalagay ng karagdagang mga spikes sa ibabaw ng bakod para mahirapan ang sinomang magtatangkang tumalon.

Nasa loob ng White House si US President Barack Obama kasama ang kaniyang pamilya nang maganap ang insidente, dahil ipinagdiriwang nila ang Thanksgiving Day.

TAGS: man jumps white house fence, man jumps white house fence

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.