Ilang Senador, pinalagan ang paglalabas ng Narco list

By Len Montaño March 05, 2019 - 03:01 AM

Binatikos ng ilang Senador ang planong isapubliko ang Narco list o listahan ng mga pulitiko at indibidwal na sangkot sa droga.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, mas mabuti na imbestigahan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga kasama sa listahan imbes na ilabas sa media.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pag-abuso sa kapangyarihan kapag isinapubliko ang Narco list.

Pwede anyang makasuhan ang DILG sa naturang hakbang.

Una nang sinabi ni DILG spokesperson Jonathan Malaya na walang tiyak na resulta ang paglalabas ng Narco list partikular sa mga kandidato gaya nang nangyari noong 2018 barangay elections.

Kahit anya inilabas noong nakaraang eleksyon ang pangalan ng mga kandidato ay wala itong naging epekto at nanalo pa ang kandidato.

TAGS: 2018 barangay elections, DILG, DILG Spokesman Jonathan Malaya, isapubliko, kandidato, narco list, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Tito Sotto, 2018 barangay elections, DILG, DILG Spokesman Jonathan Malaya, isapubliko, kandidato, narco list, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senate President Tito Sotto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.