WATCH: Angara, pinayuhan ang mga OFW na wag magdala ng droga sa ibang bansa

By Len Montaño March 05, 2019 - 01:55 AM

Pinayuhan ni reelectionist Senator Sonny Angara ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na huwag magdala ng droga sa ibang bansa para hindi sila mapahamak.

Sa programang Bantay OCW sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television, sinabi ni Angara na ang pagpupuslit ng droga ang dahilan kaya napapahamak ang mga Pinoy na pumupunta sa ibang bansa lalo na iyong mga magtatrabaho roon.

Ayon sa Senador, dahil sa hirap ng buhay sa Pilipinas, sadya anyang mayroong mga Pilipino na kumakapit sa pagdadala ng droga sa ibang bansa.

Pero mariing pinayuhan ni Angara ang mga OFW na huwag itong gawin para hindi sila mapahamak lalo na sa mga bansa na kamatayan ang hatol sa drug trafficking.

Binanggit pa ni Angara na kung istrikto si Pangulong Duterte sa paglaban sa droga ay mas mahigpit sa ibang bansa.

Gayunman anya kung masangkot ang OFW sa kasong droga sa ibang bansa ay kailangan na palakasin ang mga konsulado para mabigyan ng legal assistance ang mga Pinoy abroad.

TAGS: Bantay OCW, Droga, Drug trafficking, Inquirer 990 Television, legal assistance, mapahamak, ofw, Radyo Inquirer, Senator Sonny Angara, wag magdala, Bantay OCW, Droga, Drug trafficking, Inquirer 990 Television, legal assistance, mapahamak, ofw, Radyo Inquirer, Senator Sonny Angara, wag magdala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.