Sa programang Bantay OCW sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television, binanggit ni Angara ang ilang batas na naaprubahan ng Kongreso ukol sa kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Senador, kulang sa karapatan ang mga OFW sa ilalim ng batas.
Ito anya ang dahilan ng pagpasa ng ilang batas sa ilalim ng kanyang termino dati sa Kamara at ngayon ay sa Senado.
Binanggit ni Angara ang batas sa overseas absentee voting na ang nagsulong pa ay ang kanyang ama na si Senator Edgardo Angara at ang mga kasalukuyang batas gaya ng amyenda sa Migrant’s Act gayundin ang revised OWWA charter.
MOST READ
LATEST STORIES